Tuesday, January 25, 2011

Si kuya



Nagdinner kami as family kasama si kuya at yung wife niya at si ate. Tapos inannounce ni kuya na baka magmigrate na sila sa Australia, pagnaayos na ang papers nila. Of course nalungkot ako sa balita.


My brother is 6 years older than me at ako yung bunso like kris aquino hehehehe.

I can still remember noong araw,  yung away namin noong mga bata pa kami. Kasi may ginawang kasalanan si kuya at sinumbong ko siya agad sa parents namin. Napagalitan si kuya in a major major way ng aming mga magulang. Malas ko lang kasi  wala akong bunso na kapatid nangangalang  Ding na pwede magdala ng puting bato para sa akin. Ayun pagsuntok ni kuya sa akin eh na naknock out ako. I mean,  isang suntok lang sa kin eh  tulog agad ako bwahahahaha..Sayang di ko hawak yung puting bato if ever hawak ko yun eh I'm sure bugbug siya sa akin.



Actually marami ako kasalanan sa mga kapatid ko. Kasi masyado akong pakialamero kasi yung mga porn magazines at videos ni kuya eh alam ko saan nakatago. Pati mga food na tinatago niya eh alam ko din kung saan nakalagay. Yung diary naman ni ate eh binabasa ko,  ng di niya alam pero nabored ako kasi puro boylets ang laman  ng diary niya, mga crushes niya at mga friends niya.Walang kwenta kasi yung diary ni ate  kasi may lock pero ang dali naman buksan hehehe.

May isang time din na nashock ako  kay kuya kasi  laging nagpupunta sa bahay namin yung girlfriend niya noong highschool at laging  nagkukulong ang dalawa sa kwarto. So umatake nanaman ang pagkacurious at pagkapakialamero ko. So sumilip ako sa bintana niya at nagulat ako kasi nakita ko si kuya nakatalikod at nakahubad at  kayakap si  girlfriend na nakasuot ng bra. Sobrang shock ako nun at di na ako tumingin ulit. Then sa sobrang shock eh namutla ako at di makapagsalita.


Nakita ako ng tsimay namin sa house at nagtanong kung bakit namumutla ako. Pero di ko siya sinagot at pumasok ako sa aking kwarto. Sa totoo lang never ko pa to nakwento kahit kanino kasi if ever makwento ko eh baka mapatay na ako ng kapatid ko.

Si kuya is the most popular guy sa school namin and I lived under my brothers shadow. Like mga teachers nagcocomment ng ahh ikaw yung litle brother ni ganito.

Noong college na si kuya eh siya na ang naghahatid at sumusundo sa akin sa school. At may times na nabwibwisit ako sa kanya kasi nagagalit siya pagumuupo ako sa likuran ng kotse at gusto niya lagi ako sa harap katabi niya. Grabe si kuya super arte kasi ayaw niya na magmukha siyang driver.

Honestly malulungkot ako pagmatuloy ang pagmigrate ni kuya sa Australia. Kasi  mamiss ko siya at minsan magkakampi kami laban kay ate hahahha....And may times din na nililibre ako ni kuya ng food pag pay day.

17 comments:

  1. ako rin gusto kong mag-migrate dun. maraming kasing pogi grabe.

    kung wala yung puting bato ni ding, sana hiniram mo yung perlas na bilog ni manang bola. puti rin yun kaso mas mahirap lunukin.

    ReplyDelete
  2. awwwww. may ganyang moments din kami ng kuya ko! hehehe.

    isipin mo na lang papadalhan ka nya ng Australian dollars! LOL.

    ReplyDelete
  3. Kuya kuya, panu ka ginawa. masarap me kapatid. me and my bro are not in good terms right now :(

    ReplyDelete
  4. how sad... wala na nga akong kuya eh kaya how sad lang macocoment ko..w ahehhe...

    ReplyDelete
  5. haaaay ako walang kuya ako ang kuya... gusto ko magkakuya kasi ate lang ako meron...

    hindi ko alam kong gusto ako ng bunso nmin kasi ako ang kuya nya hahahah

    ReplyDelete
  6. Ang sweet naman ni Bunso kay Kuya. :)

    ReplyDelete
  7. wow. i wonder what my little brother and sisters are thinking about me. ako kasi ang kuya. hehehe

    ReplyDelete
  8. awww! how sweet! despite sa "TRAUMATIC" scene na nakita mo sa bintana. haha! And all the arguments with your kuya, it still shows na nadun parin ang BROTHERLY LOVE mo para sa kanya...

    ReplyDelete
  9. buti may brother ka po.me im longing for a brother.hehehe

    ReplyDelete
  10. Ang sweet naman ni kuya. Sa amin walang akong ganyan.. Panganay kasi ako. At hindi kami magkakasundo...

    ReplyDelete
  11. whaha ang sweet naman ni kuya.. its good to be heard thats sorry.. pambihira kang bata ka ha. makulit hehee :D

    ReplyDelete
  12. awww sweet naman... God bless to your kuya if ever matuloy na ang immigration :)

    ReplyDelete
  13. yeah. we just love our brothers. kami naman terms of endearment na namin yung heart-felt na pang-aalaska. mami-miss ko rin ang kapatid ko kung mangyayari rin man to sa'min.

    God Bless sa kuya ni Milch! XD sayu na rin Milch :)

    ReplyDelete
  14. wow ang sweet naman ni Kuya... mukhang kyut pa yata lol :D

    ReplyDelete
  15. Nkklungkot nga yun, lalo na pag may mga pamangkin ka sa kanila...

    hehe so nakikipagsex ba si kuya nung nabosohan mo?haysst ung kuya ko di na kailangan bosohan kasi exhibitionist ang loko, lumalabas un ng restroom namin pagka paligo na nakhubad takip lang ang ari nya, tawanan lang kami ganun lang...

    mas matanda din sya sa akin ng mga 10 yrs, and di hamak na mas gwapo sya :P

    ReplyDelete
  16. @sean
    oo nga eh baka paglunok ko nun eh eh machoke ako at matigok ng di oras

    @nimmy
    oo nga noh! but i doubt na padadalan niya ko hehehehe

    @desperate
    too bad in time magkakabati din kayo look at kris and nonoy aquino

    @kikomax
    too bad :( pero kahit di mo kadugo pwede ka parin magkaroon
    ng kuya

    @uno
    gusto ka siguro nun

    @james
    yup sweet nga

    @mr chan
    siguro ok naman ang tingin nila sa yo

    @sweetish
    yuup lagi andun

    @emmanuel
    pwede ka naman magkaroon ng parang brother from your friends

    @arvin
    in time magkakasundo din kayo

    @axl
    hahahhaa oo nga

    @biboy
    thanks sana di matuloy hehehe selfish ko

    @nowitzki
    thanks god bless din

    @egG
    yes cute siya than me pero fat lang siya hahaha

    @soltero
    wala ako pamangkin sa kanila eh kasi wala pa sila anak
    di ko binoso yun nanilip lang isang tingin at di na
    tumingin ulit.

    ReplyDelete
  17. Ohh sayang wala akong kuya e

    ReplyDelete