Monday, April 25, 2016
Philippine Debate 2016
The AbsCbn debate was the most boring debate kasi wala masyado awayan at tapunan ng putik. Pero naitalakay naman ang plataporma ng bawat kandidato.
Sa akin si Mar Roxas ang panalo sa debate. He has a vision, has a solid platform for the Philippines, he speaks like a good leader. At kung job interview eto, he would surely get the position. He knows what he is doing and he has plans for our country
Grace Poe is also good kaya lang di pa siya hinog at kulang pa sa experience. But I do feel her sincerity para sa kabutihan ng ating bansa. Maganda din ang plans niya para sa pinas pero may kulang. She can also become a good president, pero tulad ng sabi ni Lola Nidora sa TAMANG PANAHON, maybe after six years. Poe is a american citizen pero she is aware sa mga issues sa bansa natin. Tumira siya ng matagal sa Amerika pero siguro may nakita siya dun na gusto niya iapply dito sa pinas.
Si Binay naman pwede siya magapply bilang trainor sa Aces and Queens or sa modelling kasi walang ginawa kundi rumampa sa stage at mambola, Puro sinasabi ang achievements niya as a Mayor and not as a Vice President.
Si Miriam naman, mukhang may sakit talaga but she denies it. But she is indeed smart.
Rodrigo Duterte naman is more of like a stand up comedian like icocopy na lang niya sagot ni Miriam. He likes to joke around kahit sa kampanya niya. Wala siya masyadong solid na plataporma para sa bansa. Puro lang papatayin ko lahat ng kriminal at magkakaroon ng peace sa ating bansa.
Roxas platform naman is mostly data's, facts at pagtaas ng sariling bangko which is boring to some
Unlike the Duterte style na rally na stand up comedy, topic sex, violence, -dba mas masaya???
I think the reason kaya number 1 si Duterte is because karamihan sa mga masang pinoy can relate to him.
He is unique, di siya yung pabebe at di siya yung typical na kandidato na mambobola kung saan lahat ng kanyang promises to a better life ay mapapako lang at di mangyayari.
Ang masang pinoy kasi they see themselves kay Duterte. Kasi di siya anak ng mayaman unlike Roxas or Poe. Simple lang ang buhay niya at di siya pasosyal. He can be your drinking buddy ganun.
na mahilig sa green jokes and he has this macho, tough guy image na pasiga siga.
He even said na hindi siya magaling na student na may grade lamang na 75 sa school and he did not come from the best schools in the world unlike Mar Roxas.
Wala rin issue sa corruption issues kay Duterte kaya gusto siya ng karamihan. Unlike Binay na lagi todo iwas sa mga corruption issues against him.
Another reason why Duterte is popular kasi matapang siya and he has compassion sa mga tao which President Noy Aquino does not have.
Nakakalungkot isipin na andun pa rin ang gap ng mahirap at mayaman.
Kasi ang ilang supporters ni Duterte ay gusto siya kasi di siya elitista at dapat matigil na ang pamumuno ng mga oligarch at elitista sa gobyerno na walang ginawa kundi magpayaman lang. Like Danding Cojuangco, Luico Tan etc.
Sa akin lang wala ako nakikitang masama sa mga so called oligarchs or elites kasi first and foremost they provide jobs to many filipinos. Legal naman ang business nila.
May nagawa din naman si Gloria at Noy Aquino sa bansa regarding economy kaya lang di ramdam ng karamihan. At masnakakaangat pa rin ang negative issues kesa positive issues
Napansin ko based sa comments sa social media ay mostly mga masang pinoy ay pabor kay Duterte while yung iba na may analytical thinking kay Roxas
I thinks its unfair na sabihin na masmay nagawa si Duterte kesa kay Roxas
Kasi si Duterte may nagawa talaga but it took him 22 years sa Davao. While Roxas as a cabinet member na 6 years lang under Aquino.
At siya ang mayor or leader unlike Roxas na isang kabinete under Pres Aquino so ang huling decision ay kay Pnoy pa rin kasi siya ang president
I think its unfair na iacusse ang AbsCbn na bias sa debate. Dahil ba masmaganda sumagot si Roxas and Duterte was not able the questions ay bias na daw ang abs cbn?? at scripted daw??
Although AbsCbn does have a reputation for being bias from past issues when it comes to Marcos, Erap, Cedric Lee, INC members etc. Pero personally wala ako nakitang pagkabias ang AbsCbn sa debate.
Other duterte supporters said na hinanaan daw ang mic ni Duterte at binigay ang questions kay Roxas before the debate kaya magaganda ang sagot niya. Hwag naman masyadong praning
Isa lang naman ang gusto ng karamihan sa atin which is change. Kaya lang dapat hwag natin iaasa lahat sa gobyerno para umasenso ang buhay natin. Simulan natin eto sa sarili natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment