Thursday, November 5, 2015

Aldub Fever





Isa ako sa fan ng Aldub at part din ng Aldubnation na nagtweet every Saturday at nakagawa ng record breaking 41 Million tweets.

Di talaga ako mahilig sa mga love teams at lalo na sa  mga romcon movies

Di ko talaga matagalan panoorin ang mga local movies natin, 

Lalo na mga movie na ginagawa nina John Lyod Cruz and Sarah Geronimo. I find those movies boring at no brainer at patweetums at puro pasweet, pacute lang

Pero etong Aldub kakaiba siya sa mga loveteam na kasanayan natin through the years.

Kasi si Maine aka Yaya Dub hindi siya yung typical na babae kasi may sense of  humour siya

Maine aka Yaya Dub reminds me of the following women based sa acting nila: 

Noda Megumi from Nodame Cantabile (Japan)





 Lucille Ball from I Love Lucy (USA)




Maari sa ibang tao mababaw ang Aldub or kalyeserye.

Pero sa akin hindi siya mabawbaw. Kasi marami ako natutunan kay Lola Nidora lalo na ang mga words of wisdom ni Lola.

 Malaki ang naging  apekto nito sa buhay ko, lalo na pagdating sa buhay pagibig

Here are some of  Lola Nidora's words of wisdom:



"Masarap umibig, masarap ang may inspirasyon. Huwag kang magmadali lahat ng bagay nasa tamang panahon 

"Walang naiinip sa taong tapat ang hangarin. Walang susuko sa taong totooo ang tibok ng puso"

"Ano to? Parang rubber shoes lang? Pag nagustuhan ina arbor lang? Huuy! kailangan pinaghihirapan yan!"

"Hindi lahat ng bagay instant noodles, lalagyan lang ng mainit na tubig ay pwede nang kainin. Ano to fan sign lang love na? Mas maganda ang mga bagay na pinagtityagaan.


   -Lola Nidora aka Donya Nidora Esperanza Zobeyala Viuda de Explorer

Sa panahon ngayon may internet na at social media. At dahil sa social media ay nakakameet ka ng mga tao online. May times na di na dumadaan sa ligawan part at nagiging kayo agad.

Ako mismo ay nagkaroon ng karelation pero mabilis naging kami at mabilis din  kami nagbreak.

Parang kanta lang ni Imelda Papin na isang linggong pagibig



Noong araw naman noong di pa uso ang social media.

The time na manliligaw ako ay pagnagpapakita ng motibo ang gusto ko. Pero  nauwi din eto  sa hiwalayan.

Tama si Lola Nidora na dapat lahat ng bagay pinagtitiyagaan to get to know the person.

There are times in a relationship that you notice things that you never did before

Sometimes you can become cold after  seeing things that you don't like

Kaya nagiging ganun kasi di niyo masyado kakilala ng lubusan ang isa't isa.



Tama din si Lola na dapat  "no touch" at dapat  1 foot away, para di maging mapusok



Kasi nagkaroon din ako ng karelasyon na more based sa intimacy or sex. You just love each other kasi nasasatisfy niyo ang isa't isa sa kama. Pero sa totoo lang its not real love but Lust

Its definitely not love because

You’re totally focused on a person’s looks and body.
and you’re interested in having sex, but not in having conversations.


Maaring kababawan ang kalyeserye sa iba.

Pero ang kalyeserye ay tintuturo nito ang makalumang kaugalian lalo na sa panliligaw. Na unti unti ng nakakalimutan sa panahon ngayon

Ayoko rin gumaya kay Pastilla Girl na di mabubuhay pagwalang karelation or walang love life

Dahil pwede naman maging masaya na isang single





Tulad ng sinabi ni Lola Nidora "Sa Tamang panahon"







3 comments:

  1. i watch kalyeserye din.

    sa akin... gusto ko yung kilig moments tapos may comedy at may aral din.

    nakakagaan ng feeling yung tatawa ka sa mga small things na nagaganap sa spur of the moments

    ReplyDelete
    Replies
    1. yup the best talaga ang kalyeserye
      grabe emotions pagnanood ka iiyak ka, kikiligin at minsan napapasigaw

      Delete
  2. Aldub is driving me nuts.. Why is everyone so into this? haha

    ReplyDelete