Dumating si ex gf last friday and di maganda ang nangyari.
Sumama ako sa mommy niya at sa driver niya para siya sunduin siya sa airport.
Siempre matraffic at medyo nalate kami ng dating at nahirapan kami maghanap ng parking.
When I saw her she was not smiling at all. Tapos paglapit namin sa kanya eh ganito nangyari
ExGf: What took you so long... she screamed
Mother: Anak eh traffic kasi eh.. at nahirapan pa kami maghanap ng mapaparkingan
I brought her flowers pa and eto reaction niya
ExGf: Nagdala ka pa ng bulaklak pangdagdag lang yan sa mga bibitbitin mo
She even didn't say thank you : (
There were more bitching, she said the guards at the airport was stupid, she complained ang init init sa labas ng airport at nagintay siya ng matagal,
Tapos binigyan ko siya ng pagkain kasi baka gutom ang bruha. Then, she complained na ang kinain niya ay di masarap kasi ang ginamit daw na mantika eh luma. She even told her mother na sana sa states na lang sila nag xmas at di dito sa pinas.
Sa isip ko baka naman jetlag lang at napagod siya sa biyahe kaya mainit ang ulo.
May welcome party sa house nila and her mother invited me to come.
Medyo late ang pagdating ko sa house niya and nagkamustahan kami at sabi ko kamusta ang buhay niya sa states. She said ok naman at masaya siya doon di daw tulad sa pinas na ganyan ganyan ang pangit. Parang naging Maricel Soriano ang hitad like ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng masikip, ayoko ng mabaho etc,
Naisip ko tuloy grabe siya puro siya reklamo tungkol sa pinas at naging maarte ang bruha. Di tulad ng mga kakilala kung mga foreigners na puti na di nagrereklamo tungkol sa init ng pinas, yung mga squatters, streetchildren, etc..
I mean lumaki siya sa pinas, at siya ay pinay tapos lalaitin niya ang pinas. Naisip ko tuloy I don't know this person anymore. Where's the woman I fell in love with. Then after mga 10mins of conversation sabi niya "Punta muna ako sa friends ko ha.."
Parang ganito yung eksena:
So naiwan ako magisa sa table at nagiisa at walang kausap. And andun siya with her snotty female friends. I was completely devastated and disapointed. Kasi parang ang lamig niya sa akin and parang she's not interested with me anymore. Parang masmasaya pa siya makita ang friends niya than me :(
And yung friends niyang iba eh kasama pa niya sa states.
Yung ginawa niya sa akin, I consider her a snub. Since nagiisa ako doon sa table eh parang naawa ata yung dad niya sa akin at kinausap ako. Sabi niya na may xmas party daw sila with their friends and some relatives this sunday at punta daw ako pagusto ko pumunta.
Since she snubbed me at napaisip ako tuloy ng masama , parang gusto kung gawin ang ginawa ni capt hero sa video na to
I felt devastated, disapointed and upset. Kasi tagal naming di nagkita tapos noong nagkita kami gaganituhin nya ako. Although we had communication through email bago siya bumalik sa pinas. But maybe its really over na talaga wala na kaming babalikan. I even remembered yung movie ni Aga mulach at Lea salonga na "Sana Maulit Muli" kasi parang yung movie naging true to life.
Si ex gf parang yung character ni lea sa movie kasi america had changed her completely.
Pero unlike si Lea sa movie na may happy ending eh, Pero si ex gf naging mapanlait siya sa kapwa pinoy niya at sa kanyang bansa at naging maselan siya sa lahat ng bagay.
Naisip ko tuloy na baka kaya malamig siya sa akin kasi di ko siya sinamahan sa america. I don't know and I'm really afraid of confrontations so umuwi na lang ako sa amin at di nagpaalam sa kanya. Coz she was busy talking and laughing with her snotty friends. And I'm not interested to join her and her friends.
I was expecting a text from her na sabihin na "Bakit umalis ka ng walang paalam" pero namuti ang mata ko sa kaiintay sa text niya at parang di niya napansin na umalis ako kagabi. :(
Pagdating ng sunday night, I never went to her party and I never spoke to her again whether sa text or kahit sa phone. Di ko nga siya kinamusta sa party kagabi
Sabihin na ninyo na ako ay isang drama
queen king. I think I'll just give her a full blast of Milch's freeze.
Milch's freeze- definition:
Pretend that the person don't exist and completely eliminate that person in my mind and in my heart.
I learned my lesson kasi lagi ko iniisip ang past namin. And past is past kaya dapat ng kalimutan yun.
Naisip ko tuloy since I've been hurt by women twice. Try ko kaya magkaroon ng jowa na guy. pero hmmm I think it would not work kasi. First of all mahirap itago plus pagnalaman ng family ko eh baka multuhin ako ng lolo kung militar, murahin ni tatay, upakan ni kuya, kalbuhin ni ate at baka nanay ko atakihin sa puso. I grew up kasi in a conservative and strict catholic family eh.
I have to admit I had some fling with guys. Pero never ako nagpost na naglandi ako sa public or may nilandi akong guy or pinagnanansahan.