Sunday, July 15, 2012

Social Climber




SOCIAL CLIMBER and friend mo sa Facebook kapag:

1) Hindi niya nakalimutan mag "check in" Pag nasa
sosyal place siya like ATC, Dasma, Forbes, Ayala Alabang

2) Nag papicture picture sa Starbucks habang umiinom ng kape

3) Palaging may picture ang mga expensive na gamit

4) Kailangan malaman ng buong FB  na sa S&R siya nagrogrocery at hindi sa Pure Gold

5) Upload agad ng picture pag sosyal ang merienda like Krispy Kreme or desert galing Bizu

6) Kailangan mag thank you sa natanggap na expensive gift sa status message kahit na katabi lang niya ang bagay

7) Hindi pwedeng makalimutan magpa picture pagkumakain sa mamahaling restaurant

8) Kailangan taglish/english ang shout out para CONYO ang dating

17 comments:

  1. hahahahaa cool! madami akong kilala n ganyan :)

    ReplyDelete
  2. Tinamaan ako sa 8. 8 lang! Haha

    ReplyDelete
  3. I really agree :)

    what's an S&R ?


    sorry im poor lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. grocery siya pero exclusive sila for members only, at international siya kasi sa USA galing.

      The best part sa S&R ay yung food kasi drink all you can at masarap yung pizza,

      Delete
    2. aahh yun pala yun parang macro.. ive seen that somewhere forgot lang kung saan. ayan ah conyo-conyohan ako. haha!

      Delete
  4. They flaunt to satisfy the void within themselves. Commonly, they want their existence to be re-affirmed thus the blatant behavior. Sana lang maisip ng isang social climber na hinde naman talaga dapat makipagsabayan. Ang dapat lang namang gawin ay gumawa ng sariling lakad, sariling diskarte. Peace! (^_^)v

    ReplyDelete
  5. Yung # 2 ang daming gumagawa nyan hahaha..
    how many imes na ako nag-starbucks pero sabi ko sa sarili ko never akong magpapapicture sa starbucks at ipost sa fb....awtsss yung iba todo post halata namang patay gutom hahaha.

    Gawain ko yung # 8, honestly di naman pilit talagang matagal na akong nagpopost ng taglish haha

    ReplyDelete
  6. hayaang makibahaga ang isang elitista sa iyong mga puna:

    1.) at ano naman ang ginagawa ng taong yun sa forbes, dasma at ayala alabang? baka ahente sa isang construction site? alabang town center, sosyal ba doon? ehem!

    2.) kape ba ang iniinom ng taong iyon sa starbucks? baka gatas na namantsahan ng kakarumpit na kape. baka kasi atakihin sa puso pag nag-order ng espresso! pero, kailangan ngang magpanggap...

    3.) palibhasa, di pa nakakapunta sa lugar kung saan gawa ang ikangang mamahaling gamit...dahil ang mga nakakaabot dito na tinuturing na mamahalin ay ang pinaka mababang type ng brand. e.g. zara - para lang yan sari-sari store sa espana, pero feel sosyal na ang mga ewan pag nakabili sa sale. a/x, may armani jeans at emporio armani na range na hindi naman kaya ng pa-sosyal. eh ang mga one level higher (hindi pa ito ang top of the line) na brands sa greenbelt 5 hindi na nga maabot!

    4.) S&R - eh price club yun eh, paano sya nakapasok doon? kung sakali mang member, baka naman pag nag-sa-sale lang sya nakikita doon, nakikisalimuha sa masa. tinatawagan kasi ang mga elitista kung may mga bagong stock na dumadating at ihinahatid nalang sa mga tahanan para hindi na pumila! huwag na nating pag-usapan ang pure gold!

    5.) ang nagagawa naman talaga ng branding...alam kaya nila bigkasin ang mga desserts sa bizu?

    6.) let's define expensive shall we?

    7.) ano ba ang budget para sa isang mamahaling restaurant? 500? 1000? ay....

    8.) OMG, that's like sooo bulok! i know i should not make patol patol these people, but the sheer gratification of putting them in their rightful places is so sarap!

    tigilan na ang pagpapanggap kasi mas masagwa kapag nabuking ang hindi naman makatotohanan. hindi naman sa huwag mag-level up pero katulad ni icarus na lumipad ng masyadong mataas sa tanghaling tapat, bumagsak sya sa kanyang kamatayan ng walang saysay! eh teka, kilala ba nila si icarus? sa mga pa sosyal, i-google na!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nice comment.. ;))
      I'm from blue school pero i did lived as simple as always.. Even exposed aq sa karangyaan.. Iba pa rin ang simple yet others will notice it from u. Conyo dati but i realized iba ang buhay pag ikaw ang naghirap non. I'm staying now at taguig at RPR.. Hope to see and meet some cool person like me..lol! Discreet..Goodlooking too..

      Delete
  7. mga walang sariling diskarte lang gumagawa nyan.

    ReplyDelete
  8. natawa ako sa post na ito. Winner!

    ReplyDelete
  9. Ay Im so Tamaan in # 8 As in #8 land ha. Sorry Carabaw English lang kaya ko Di Conyo eh

    ReplyDelete