Friday, January 7, 2011
Utang
Inaya ako ng friend ko na magdinner sa house niya. At medyo uncomfortable ako kumain kasi may apat silang shih tzu (dog) sa loob ng house nila. Naiimagine ko tuloy yung mga balahibo ng aso na lumilipad at pwede dumapo sa pagkain na kinakain namin yuck!!. Plus yung floor nila na may ihi or tae ng aso kung minsan .Ewwww
I have to confess na isa akong maselan na tao, ako yung tipo na di mapapaupo sa sahig, or pagkumakain kelangan may serving spoon lagi at pagnainuman ang baso ng ibang tao, eh di ko iinuman yun or pagnalawayan ang isang food eh ayoko ng kainin. Minsan nabwibwisit ang tatay ko sa pagiging sobra kung selan. hehehehe
Napansin ko din sa house ni friend na ang daming kalat like mga damit niya at mga toys (mcdonalds or jollibee toys) ng mga anak nya at mga cutex ni mrs na nakakalat sa sala nila. Naisip ko tuloy ang burara naman ng mga taong ito di man lang naglinis. Ako kasi yung gusto lagi malinis at organized ang lahat hehehehe.
Napansin ko din na bago ang phone niya at bongga Iphone pa. Nakita ko din yung complete collection niya ng FHM magazines at may mga binili siyang car accessories na di pa nabubuksan.
After ng dinner eh nagtanong siya kung pwede ba siya umutang sa kin. Tanong ko magkano kailangan mo?
Aba! ang laki naman ng gusto niyang utangin. At nagpapaawa pa siya sabi niya kasi daw wala na daw siya pambayad ng kuryente, at pambayad sa tubig. Sabi pa niya poor daw siya ngayon at kulang daw ang sweldo niya sa kanya at si mrs eh wala naman work.
So eto ginawa ko binato ko sa kanya yung mga car accessories, FHM magazines etc. and shouted "Your poor coz you buy worthless shits like these"!!! (Sa isip ko lang yun at di ko talaga ginawa kasi di ako violent na tao at di ako ganun kasama hehehehe)
Nainis lang ako kasi di siya marunong magtipid at masyado siyang magastos, tapos aasa siya sa ibang tao!!
Ako nga eh single pa lang pero may times na kelangan magsacrifice na hwag bilhin yung gusto kung bilin kasi marami pang dapat gastusan na masimportante. Pati cellphone ko nga eh di mamahalin.
Ang problema sa friend ko is that di siya marunong magmanage ng money niya at di siya marunong magtipid at di marunong magsacrifice tapos aasa siya sa ibang tao, Kainis talaga and it will take time pa bago niya ako bayaran.
Well at least good friend pa rin ako kasi walang interest man lang yung inutang niyang money sa akin.
Bago ko umalis eh hiniram ko ang FHM magazines niya hehehehe.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
naku.,
ReplyDeletengayon nagsusuffer din ako sa mga may utang sakin. walang compromise kung kelan magbabayad. siyempre laging may pangangailangan kaya puro next month na lang! :)
weee... wala akong maisip na macomment eh personal na decision mo yan... pero kung ako tatanungin mo di ko pauutangin.. pero dahil pinakain niya ako at pinahiram ng FHM eh parehas tayo ng gagawin.. hahah.. ang engot ng comment
ReplyDeletehehehe isipin mo nlng your are blessed...
ReplyDeletemas mahirap ung ika wung umuutang db...
I read from a book "Rules of Wealth":
ReplyDeleteDon't lend money that you're not ready to write off because eventually, that person may not be able to pay you at all.
I call it living within my means.
at least nakipagtrade ka sa kanya kahit FHM lang yon... hehehe
ReplyDeleteanyway.. sana matuto ng magtipid yung friend mo :)
@mr. chan
ReplyDeleteay totoo yan kaya kailangan mo sila kulitin ng kulitin
like araw araw oras oras to drive them nuts at magbayad agad
@kikomax
i appreciate your comment thanks. marami ako hiniram na magazine
@uno
oo naman at mahirap ang maningil
@seth
nakaborrow na siya ng money sa kin at nagbabayad naman siya
kasi nakakaawa naman pagnaputulan sila ng kuryente
@egG
pwede na yun collateral hehehehe pero kulang pa
at ngayon naiinis din ako dahil may friend ako na may utang din sa akin. July pa niya inutang... anong petsa na diba. my advice sa yo, singilin mo na friend mo, now na. hahaha. joke. :)
ReplyDeleteproblema ko din ang pagiging magastos.. hehe.. so sa mga mabait na nagpapautang kagaya mo, nagpapasalamat kami sayo. hehe...
ReplyDeletesorry pero ito yung napansin ko: "isa akong maselan na tao.. pagnalawayan ang isang food eh ayoko ng kainin." ang dapat palang hanapin mo ay yung katulad kong...VIRGIN. bwahaha! juk!
ReplyDeleteagree ako with seth, esp. with friends and relatives. dapat handa ka na sa possibility na i-write off ito. mahirap talaga pag kaibigan o kamag-anak.
alam nilang mataba ang puso mo kya ka nla po inutangan.
ReplyDelete@leo
ReplyDeletebago lang siya umutang eh pero lagi naman siya nagbabayad
@dovan
hehehe ewan ko ba kung bakit ako takbuhan nila sa utangan di naman ako mukhang mayaman hehehehe
@sean
ewan ko di naman virgin maarte lang siguro hehehehe. kahit sa close friend mahirap din
@emmanuelmateo
siguro nga kasi di lang eto 1st time na nangutang siya sa kin
madalas din akong utangan. problema ko lang i don't keep a list kaya madalas hinde ko na natatandaan kung sino at magkano ang inutang :) ahaha. kako, tulong ku na yon sa kanila...
ReplyDeleteAng bait mo naman na kaibigan. :)
ReplyDelete