Monday, April 25, 2011

Happy Easter



Grabe ang easter mass kahapon inabot ng 2 hours!! Basta may occassion sa simbahan like Holy Week or Christmas laging ganado ang mga  pari magsermon ng sobra tagal. Inabot ata ng 40 minutes ang sermon ng pari kaya inabot ng 2hours ang mass. Sana mga pari orasan nila yung sermon nila kasi di nabobore na ang karamihan pag matagal sermon niya at di na nakikinig.


 Yung isang babae na nasa likod ko nakatulog na nga. Tapos may napansin din akong lalake sa harap na mukhang may putok LOL! kasi may napansin akong 2 lamok na lumilipad at paikot ikot sa itaas ng  ulo niya. Naalala ko tuloy yung kwento ng teacher ko noon, Sabi niya may katabi daw siyang may putok at di siya makaconcentrate sa misa. Tapos noong nagcommunion siya eh may dumapo na tae ng ibon sa balikat niya. So naisip ni teacher na baka parusa yun ng dios sa kanya or sign.

After ng mass, grabe nagpart 2 pa sa sermon yung pari. And kinwento pa ang buhay niya. Ano ito maala mo kaya ni aling charing nunal?  hahahaha kainis talaga! Feeling ko nagkaroon pa ako ng kasalanan sa dios kasi imbes na maging masaya sa easter eh nabwisit ako sa pari hahahaha




Belated Happy Easter to everyone!!

12 comments:

  1. happy easter din po... ang sipag nyong magsimba...

    ako kasi tinamad.. ehheeh geh po

    belated happy easter....

    ReplyDelete
  2. Happy Easter Milch.

    Dito madaming may putok pero normal na,

    may pari dito na chinese at trying hard magtagalog, pero na-appreciate ko naman effort nia! magaling din sha magsermon, luckily sha yung pari kahapon. hehehe

    Have a great day!

    ReplyDelete
  3. happie easter ok lang yun kung mahaba yung sermon na di boring.. heheh :D
    kaso mostly yung ibang pari eh boring maghomily kasi pansin ko lang madalas may binasa na sila di tulad noon na walang script at bumababa pa sila sa homily table nila :D

    ReplyDelete
  4. Naman! Malas naman ng teacher mu, may putok na nga ung katabi, nalaglagan pa sya ng tae ng ibon! Happy Easter (late, hehe!)... :))

    World of Vhincci

    ...

    ReplyDelete
  5. LOL! Nasa sharing mood ang priest niyo. :)

    ReplyDelete
  6. Papa Milch hayaan mo na. Pamaskong pagkabuhay mo na yun ke father. Buti nga hindi pinalabas yung mga pro RH bill

    ReplyDelete
  7. @the incrsionist
    belated happy easter din

    @egG
    ako din tinatamada as in! belated happy easter

    @mr chan
    happy easter din. talaga hahaha

    @axl
    hay ako ayoko ng mahaba na sermon di na ko
    nakikinig pagmahaba hahahaha
    happy easter din

    @vhincci
    sign nga siguro ni god yun. happy easter

    @sean
    happy easter

    @nimmy
    yup ganadong ganado magsermon

    @desperate
    oo nga eh.

    ReplyDelete
  8. haba naman ng mass na yan. siguro kung ako ang nasa misa, baka half ng mass lang, larga na ako.

    ReplyDelete
  9. happy easter chong :) late na pala.. hehehe

    ReplyDelete
  10. ang importante po, we did not forget those na pinagdaanan ni Kristo.
    good am po sa inyo. sensiya now na naman ako nka visit

    ReplyDelete