Tuesday, March 29, 2011

Taray Queen

Yesterday sa mall., I saw a familiar face sa pila ng Pizza hut. She looked familiar kasi siya ay isang team leader sa callcenter na pinagtratrabahuhan ko noon. And never ko siya naging team leader but her team is always number 1 sa floor.

I  greeted her and she said "Hi: din to me. Then yung service crew na lalake ng pizzahut was doing his own thing. Chinicheck niya ang pera at receipts niya for  like 3 minutes and di niya tinitingnan si TL or he didn't even asked kung ano oorderin ni TL. So nagsalita na si TL sabi niya "kuya isang bacon and cheese pizza".

Hindi kumibo si service crew at patuloy pa rin sa ginagawa niya. At after a few minutes sabi ni kuya "Wait lang ma'am ha"

Tumaas ang kilay ni TL then she raised her voice "CAN I SPEAK TO YOUR SUPERVISOR"!!!

Service crew: Ma'am sorry busy po siya

TL: I won't accept any excuses!! I want to talk to your supervisor NOW! Or baka gusto mo ako pa mismo lumapit sa manager mo!!!

Service crew: Okay ma'am, tatawagin ko po ang manager ko


Manager: Good evening ma'am.

TL: I have been waiting for like 5 minutes here sa pila and your service crew is ignoring me!! He didn't asked for my order.  Anong klaseng customer service meron kayo!! At anong klaseng training ang bininigay niyo sa employees niyo!!! Do you have a customer survey!! coz if I'm gonna answer it.. Walang duda zero ang score niyo!! YOU should train your employees to serve their customers well.

Manager: Sorry Ma'am

TL: Next time!! ayoko na maulit eto

Naisip ko tuloy grabe si TL dinala ang pagka TL niya sa situation at mukhang siya pa ang manager hehehehe. Pero sa totoo lang may kasalanan din naman ang service crew kasi di niya kinuha ang order agad  at kahit pati ako nainis din sa kaiintay.

Siguro nakasanayan na namin sa training namin noon sa callcenter ang good customer service skills. Kasi masyado obsessed ang callcenters sa customer satisfaction at customer surveys. And knowing sa pinas our customer service sucks compare mo sa american customer service,  lalo na sa government offices. And ako kahit naiinis sa restaurant or foodcourt never ako magtataray kasi baka duraan ang kakainin kung food mahirap na.






 

15 comments:

  1. taray kung taray ha.. hehe,,
    ako din minsan naiinis din ako sa mga ganyan mga crew..

    ReplyDelete
  2. minsan akong nag-taray ng ganyan sa isang restoang ending pinagalitan ako ni mader sa harap ng waiter. CHORLA!
    .
    .
    ako tuloy napahiya ;p
    .
    .
    after nun, di ko na inulit.

    ReplyDelete
  3. Kung ako si service crew.... i-a-alok ko ng freebie ang puri ko. char.

    ReplyDelete
  4. hahaha!malaki talaga possibility na babuyin yun food na order nya!ewww~

    ReplyDelete
  5. Ako I have never lost my patience with any service crew, kahit na I have every reason to do so, kasi:

    1. I know how it feels like to be on the other side of the complaint and sometimes I just wish the person complaining would just be reasonable enough to see that he/she is making a mountain out of a mole hill
    2. I don’t want to stress myself by venting out and I don’t want to call other people’s attention coz im sure some of them won’t agree to my public display of outrage

    And I found out that the less I complain about the service I am getting, the more these people tend to throw favour at me at my next visit, call me by my name, and treat me like a king hehehe

    ReplyDelete
  6. tama. masyadong customer driven at customer satisfaction ang drive kapag sa CC ka nagwowork. :D

    ReplyDelete
  7. abah..ang taray akal mo kung sino..but let us understand this kind of person..

    ReplyDelete
  8. ay grabe.. ang taray ni ate... kakatakot lang... siguro kung ako nasa situation nung service crew.. iiyak na ako sa kalituhan kung ano ang uunahing gawin.... eheheheh

    pero sana naman naging kalma muna si ate di ung umeksena agad... heheheh...

    ReplyDelete
  9. ayyyy. nag-power trip si ate. pero may mali din ung service crew. hindi sya properly nag-set ng expectations. hehehe

    ReplyDelete
  10. char ano kinalaman ng government sa pizza.. hahha iakw na... galing ng TL no.. hehehe

    ReplyDelete
  11. never mess with people who makes your food...nagtaray sya pero i'm sure naduraan yung pagkain niya...

    i know the service crew is at fault..PERO PINAKITA DIN NI ATE NA WALA SYANG MODO..I DESPISE PEOPLE LIKE THAT! YUNG UMAARTE NA AKALA MO KUNG SINO!

    AND YES, I WAS ONCE A RESTAURANT MANAGER AND BECAME THE TRAINING MANAGER OF A POPULAR FASTFOOD IN PINAS!

    ReplyDelete
  12. Ahhhh... I'd like to think there is always a kinder way of saying something. Perhaps it was just a bad timing. Oh well.

    Kane

    ReplyDelete
  13. @axl
    sino ba naman di maiinis sa ganyan

    @desole
    baka takot ang mader mo na duruan ni waiter
    ang food niyo

    @ms. chuniverse
    hahahaha

    @mac
    yun nga kaya hwag mataray na involved ay
    pagkain

    @clarence
    yup ako ganun din once naranasan mo maging
    customer service or service crew masunderstanding ka and minsan pagnainis pa sa yo ang customer service agent gagantihan ka pa niyan

    @khantontra
    exactly soo obssesed sila sa ganyan

    @emmanuel
    yup pati sa labas ng office TL pa rin siya

    @egG
    ok yun iyakan para mawala galit ng customer
    hihihihi

    @nimmy
    yup may mali din naman ang service crew

    @kikomax
    yup magaling kasi in fairness number 1 ang team
    niya sa floor at consistent sila

    @soltero
    di pwede duraan kasi ang pizza pang take home
    nasa harap ng customer at service crew
    lumabas lang kasi kay ate ang pagka TL niya
    maybe because she is obssesed sa good customer service

    wow, manager ka pala siguro dami customers
    pupunta pag ikaw ang manager lalo na ang followers mo hihihihi

    @kane
    taray ni ate eh lumabas ang pagka TL

    ReplyDelete
  14. ako rin patient sa restaurants until after na-serve yung food dahil nga baka duraan hehe

    ReplyDelete
  15. Mukha pa lang ni ate mataray na. hahaha..siya ba yun? Anyways, di kasi ako likas na mataray., Pero pwede ko sabihin yun in a nice way. Nice kasi ako. ching.

    ReplyDelete